Friday, March 20

NAKAKAWALANG-GANA UMASA KAY PAG-ASA

Wala akong hilig sa panonood ng telebisyon. O kahit sa pagbabasa ng diyaryo't magasin. Kaya sa tuwing makakasagap ako ng balita, mapa-lokal man o internasyunal, at pagkatapos e dadalihan pa ng hagupit ng katotohanang "No news is good news", madalas talagang dinaramdam ko ang mga ito nang lubos.

Kung bakit naman kasi napakamasalimuot ng buhay ng mga tao kumpara sa ibang mga nilalang.

Naaalala ko 'yong isa sa mga paboritong awiting kinakanta namin tuwing tanghali noong Grade 3 sa loob ng classroom.

Ang mga ibon na lumilipad
Ay mahal ng Diyos
Di kumukupas
Ang mga ibon na lumilipad
Ay mahal ng Diyos
Di kumukupas
Huwag ka nang malungkot
O, praise the Lord!

Ang mga bulaklak na namumukadkad
Ay mahal ng Diyos
Di kumukupas
Ang mga bulaklak na namumukadkad
Ay mahal ng Diyos
Di kumukupas
Huwag ka nang malungkot
O, praise the Lord!


Wala lang. Naalala ko lang.

Kung bakit ako nagdaramdam ay sa katwirang tungkulin ko bilang mamamayan na makialam. Subalit hindi ko naman mawari na sa kabila ng kamalayan kong ito sa aking responsibilidad ay wala ni ha, ni ho upang yaring gampani'y aking maisakatuparan.

Sa madaling sabi, ako'y gago.

Parang isang ibong nais lumangoy
o isdang nais magkaroon ng pakpak
Elepanteng gustong mag-jumping jacks
o asong gustong lantakan ang isang bag ng M&M's

Sa kabilang banda, sinusubukan kong palawakin ang aking pang-unawa. Paano kung ako ang nasa sitwasyon ng mga pulitiko, ng nasa gobyerno, ng nasa puwesto ng pagka-Pangulo, bilang pinuno?

Diba't sinabi nga ni Spiderman na "With great power, comes great responsibility"?

Kung gayon dapat sa isang public official, malakas ang kanyang spirit. Di sapat na siya ay matalino, karinyoso, at maka-masa, etcetera..etcetera... Dahil kung mahina ang kanyang loob, lalamunin siya nang buo ng kapangyarihang ipinagkaloob sa kanya. At ito, ito, ito na nga po mga kababayan, ang nangyayari sa ating mga pinuno.

Kusabagay, hindi natin masisisi kung bakit sila, ang mga katulad nila, ang mga kumakandidato at tumatakbo sa mga eleksyon.

Nasaan na ba kasi ang mga Spiderman natin?

Palibhasa masyado silang humble. Kahit na may maipagyayabang naman sana talaga. Tuloy, inaagaw sa kanila ang limelight ng mga lintik na oportunista. Kung pwede lang sana batukan sila para lang itulak sila na suungin nila ang hamon ng mundo at iligtas ang sangkatauhan mula sa kahungkagan ng sistema ng ating lipunang hindi makaalpas-alpas sa anino ng nakaraan, ng lintik na Kasaysayan ng sansinukob.

Kung puwede lang sana...

Kung puwede.. kung pupuwede... kung puwede ba?

Hindi puwede.

Dahil may karapatan silang tumanggi. Sino nga naman ba ang may gustong umako ng responsibilidad?

Ay lintik na yan.

Tuesday, March 17

MA'AM ICE CANDY

Si Mrs. Andal ang adviser ko noong Grade 2. Dahil ako ang President sa aming Homeroom, sa akin nakaatang ang responsibilidad na paglilista ng mga pautang na ice candy pag sumapit na ang class dismissal ng alas kuwatro ng hapon.

Para maubos ang mga ice candy, may incentive ang mga estudyanteng natatakam pa sana subalit wala nang tirang barya sa bulsa dahil naubos na sa recess kaninang umaga.

+1 sa grade ang mga magsisipag-utang ng ice candy. Hindi ko na lang matiyak kung sa Recitation, Quizzes, o Project ba kaya papatak ang dagdag na puntos. Pero ang mahalaga, nauubos ang ice candy. Naisakatuparan ko ang aking obligasyon. At ang mga kaklase ko nama'y nabusog. Masaya ako, masaya rin sila. Higit sa lahat, malaking kinita ni Ma'am.

Sunday, March 8

TULO-LAWAY NANG AKO'Y MAGISING

Kasama ko si Hercules sa pagtakas mula sa mga kalabang mukhang orc. Umakyat kami sa bahay ng mga Nanay tapos dumiretso kami sa kusina. Hinila ako ni Hercules sa ilalim ng mesa at doon kami nagtago.

***

Kilala n'yo ba si Justin Timberlake? Pinick-up niya ako sakay ng isang convertible na kulay blue na makintab pagkatapos may yosi siya sa kanyang bibig.

***

May isang lamok, isang butiki, at dalawang ahas-dagat sa loob ng parihabang aquarium na walang lamang isda. Pinabantayan sa akin ang mga hayop. Pero mga hayop ngang talaga. Kinain ng butiki ang lamok. At tumakas ang dalawang ahas-dagat. Hinabol ko ang dalawang ahas-dagat at nakarating kami sa kagubatan. Sinalubong ang aking tanaw ng isang malaking buwaya na sakmal-sakmal ang butiking kumain ng lamok sa aquarium na pinababantayan sa akin. Pagkatapos ay biglang nawala ang dalawang ahas-dagat sa aking tanaw at napalitan ng isang napakahaba at napakalaking anaconda na dumaan sa harapan ko na parang walang pakialam sa mundo at dumire-diretso sa kasukalan ng gubat kung saan naroroon ang leon, nag-aabang.

Thursday, March 5

WALANG BINATBAT ANG PITONG DRAGON NI RECCA LABAN KE SOFIA!

Dragon ang tawag ng buong klase sa kanya. Ang katawagang ito'y minana pa namin sa mga naunang batch na sumailalim sa kanyang kapangyarihan.

Sa loob ng klase, pagkapasok pa lang ng Dragon ay maririnig na ang walang tigil na paglaglag ng mga calculator sa sahig, senyales na sobra-sobra ang panginginig ng mga estudyante sa tuwing oras ng kanyang klase. Sa kainitan ng diskasyon, bigla na lamang tumataas ang kanyang boses, maninigaw sa mga estudyanteng panay nakanganga sa mga pinagsasasabi niya, magtatawag ng isa o dalawang pobreng tanga na mapagdidiskitahan niya ng kanyang power-tripping, at sa malas ng mga na-pinpoint, mamamahiya kuntodo!

Parang laging nakikipaghabulan ang buong klase sa isang tren kung siya ay magturo dahil sa loob lamang ng 40 minuto, tapos ang isang lesson at sa natitirang huling 10 minuto ay walang paltos kung magbigay ng quiz na ang calculations e sakop ang magkabilaan ng isang buong papel!

Hindi pa nakuntento at isasalaysay pa niya ang kanyang Curriculum Vitae. Walang araw na hindi niya ipinagmalaki ang kanyang angking galing sa wikang Ingles at walang patumanggang magsasalita ng kung anu-ano. Bilang patunay, minsang naisulat ng isa sa mga senior writer sa aming school paper noon ang tungkol sa matitindi, masasakit, at may halong double-meaning na mga hirit niya na idinadaan niya sa mabubulaklak na pahayag.

Minsang nakaengkwentro ko siya nang makiusap kami ng mga kasamahan ko na kumuha ng special exam dahil Buwan ng Math noon at kaming mga officer ng Math Club ang nagbabantay sa eksibit. Akmang lalapitan pa lang namin ay agad na kaming sinalubong ng pantatalak at talaga namang kami'y narindi sa dalas ng kanyang bibig. Ang pambato namin sa Math contests na sumalo sa nagtatalsikang laway ng Dragon ay di nakatagal sa hagupit ng Dragon. Lumabas siyang ang mga mata ay luhaan, umiiyak dahil hindi napagbigyan, ibinagsak sa test!

Mas matindi pa raw ang kwento ng matandang Dragon sa kasaysayan. Maswerte pa nga raw kami at di namin naabutan ang pambabato niya ng floorwax o ang pagdadagdag ng 1 puntos sa bawat burger na binibili ng estudyante sa anak niyang nagtitinda sa Canteen. Pero ang natitiyak ko e suki kaming lahat ng kanyang xerox stand sa unang palapag ng Mabini Building samantalang ang kanyang advising class naman ay kontrata niya na sa rasyon ng kanyang burger tuwing sasapit ang Periodical Test para umano di na lumabas pa ang estudyante sa classroom. Inalok niya rin kami isang beses na sumakay sa kanyang pamasaherong dyipni na biyaheng Bauan!

Monday, March 2

SINTUNADO KA BA? MAG-SURVEY KA!

Nanggaling ke Juliane.

A Shuffle Survey
1. Shuffle your iPod/MP3 player/iTunes/Whatever else you have.
2. Answer the questions by the song title that comes up.
3. Don't cheat, it makes everything more fun!

[One] What is your life going to be like in five years?
Song: IWANAN MO NA SIYA (PAROKYA NI EDGAR)

[Two] How is your love life going for you right now?
Song: DI KO YATA NAINTINDIHAN (THE WUDS)

[Three] What pisses you off the most about the opposite sex?
Song: YOU'RE BEAUTIFUL (JAMES BLUNT)

[Four] What do your parents really think of you?
Song: ANAK NG PASIG (SMOKEY MOUNTAIN)

[Five] What do you think about the world and its current state?
Song: NO CLASS (MOTORHEAD)

[Six] What is the worst thing that's ever happened to you?
Song: UMBRELLA (RIHANNA)

[Seven] What will your first/next time having sex be like?
Song: I DON'T WANT TO MISS A THING (AEROSMITH)

[Eight] What is your main goal in life?
Song: GIVE 'EM HELL, KID (MY CHEMICAL ROMANCE)

[Nine] What do the boys at your school think of your looks?
Song: BEAT IT (MICHAEL JACKSON)

[Ten] What do you really want in life?
Song: SHOWERHEAD (EVE 6)

[Eleven] How are you going to get far in life?
Song: SCARS (PAPA ROACH)

[Twelve] What do you say when you're in a bad mood?
Song: ANSWER THE PHONE (SUGAR RAY)

[Thirteen] What about when you are really happy?
Song: SPRAY PAINT AND INK PENS (FORT MINOR FEAT. LUPE FIASCO & GHOSTFACE KILLAH)

[Fourteen] What do think of yourself in general?
Song: TORPEDO (ERASERHEADS)

[Fifteen] What is your life's theme song?
Song: LUCKY (BRITNEY SPEARS)

[Sixteen] What are you going to do this weekend?
Song: FALL FOR YOU (SECONDHAND SERENADE)

[Seventeen] How can you try and make yourself happy?
Song: PUSH (MATCHBOX 20)

[Eighteen] What song will they play at your wedding?
Song: MALING AKALA (BROWNMAN REVIVAL)

[Nineteen] What about your funeral?
Song: GUSTO KO NG BABOY (RADIOACTIVE SAGO PROJECT)

[Twenty] What or who makes you the most happy?
Song: SAY IT RIGHT (NELLY FURTADO)

[Twenty One] What am I even doing on this Earth?
Song: IMAGINE (JOHN LENNON)

[Twenty Two] How am I going to die?
Song: TUYO NA'NG DAMDAMIN (THE APO HIKING SOCIETY)

[Twenty Three] What is some good advice?
Song: BIG YELLOW TAXI (COUNTING CROWS)

[Twenty Four] What's some advice you'd never take?
Song: LET ME GO (THREE DOORS DOWN)

[Twenty Five] Will you ever have children?
Song: ZOMBIE (CRANBERRIES)

[Twenty Six] What is high school like for you or what will it be like?
Song: MIGHTY WINGS (CHEAP TRICK)

[Twenty Seven] How are you feeling today?
Song: PRANING (DATU'S TRIBE)

[Twenty Eight] What's your general outlook on life?
Song: PARADISE (VANESSA CARLTON)

[Twenty Nine] What are your last words going to be?
Song: BYE BYE NA (RIVERMAYA)

[Thirty] What song is going to be stuck in your head all day?
Song: KURIKONG (GRIN DEPARMENT)