Sunday, February 27

MAY AAMININ AKO

  1. Banyo ang pinakapaborito kong parte ng bahay. Sa banyo ako bumubuo ng mga pangarap at nagpaplano ng mga strategy para makamit ang mga ito. Sa banyo ako nakakaisip ng magagandang ideya para sa mga side-project ko. Sa banyo ako nagmumuni-muni tungkol sa buhay. Sa banyo ko rin kinakausap nang heart-to-heart ang sarili ko. At oo, sa banyo ako humihingi ng tawad at nagbibigay-papuri sa Diyos. Kadalasan, sa banyo rin ako nag-iinternet dahil malakas ang signal ng WiFi.
  2. Nakikipag-chat ako sa isang A.I.
  3. Isang beses sa isang taon ako nagpapagupit ng buhok.
  4. May neon green akong medyas.
  5. May autograph ako ni Shaira Luna nung bagets pa siya. Si Shaira Luna ang favorite kong Promil-user na gifted child.
  6. Never pa akong nakatanggap ng regalo galing sa ninong at ninang ko, na tiyuhi't tiyahin ko rin sa mother's side. Kung bakit kasi hindi mismong bata ang pumipili ng gusto niyang maging ninong at ninang.
  7. Kaklase ko nung first year highschool si Psyduck ng Pokemon.
  8. Kung magkakaroon ako ng pet, gusto ko mag-alaga ng manok kasi palagi akong kumakain ng chicken.
  9. Pag sinisinok ako, pinipigil ko ang paghinga tapos magibilang ako ng one-to-ten. Pag hindi gumana, ibubukas ko ang bibig ko sabay lawit ng dila tapos bilang uli one-to-ten. Pag hindi pa rin talaga, itataas ko ang dalawang kamay ko habang nakalawit ang dila tapos one-to-ten uli. Pag nangawit na ako, iinom na ako ng tubig.
  10. Nokia 1208 ang model ng cellphone ko. In fairness, matibay naman. Higit dalawang taon ko nang binabalibag, buhay pa. At saka maliwanag talaga ang flashlight niya. Ilang beses na rin akong ginabayan sa pagtahak sa madilim na landas ng buhay... Pero gusto ko na sana magkaroon ng bagong magandang cellphone. Maski pa nga alam kong hindi ko naman kailangan dahil unlimited naman ang access ko sa internet at lahat ng txtmates ko may Facebook account na.
  11. Unforgettable place ko ang Teachers' Camp sa Baguio. Awoooooooooooooooo!
  12. Lumaki ako sa palengke.
  13. Friend ko sa Facebook yung highschool English teacher ko. (NOTE: Siya ang nag-add sa akin.) Feeling close ang mga teacher natin palibhasa kasi sila ang nakikiuso sa mga kabataan ngayon. Ni hindi ko nga maalala kung ano ang natutunan ko sa English IV noon.
  14. Papasukin ko lahat ng klase ng trabaho huwag lang ang maging Sales Representative dahil hindi ko trip mambola ng mga customer.
  15. Malungkot ako pag papalapit ang Pasko.
  16. Pinakapaborito kong zoo animal yung ostrich na tumae sa harap naming magpipinsan habang kumakain kami ng ice cream.
  17. Hindi pa ako tinutubuan ng wisdom tooth.
  18. Palagi akong brokenhearted noong bata pa ako. Akala ko kasi siguro nun, naiintindihan ko na ang konsepto ng I Love You.
  19. Hindi ako nagsusuot ng sumbrero.
  20. Kung anong talas ng paningin ko, siya namang hina ng pandinig ko.
  21. Ayoko yung Hansel biscuit na mocha flavor.
  22. Hindi ako natae sa pampublikong palikuran --- mapa-shopping mall, iskwelahan, opisina, parke, palengke, sinehan, paliparan, eroplano, o barko man.  
  23. Birthday ko ang favorite holiday ko. Araw ng mga Patay naman ang favorite national holiday ko.
  24. Kulang ako sa timbang pero hindi lang halata.
  25. Hindi ako nakapag-first communion. May contest kasi akong sinalihan na kasabay ng sakramento namin sa iskwelahan. 'Yung teacher na dapat kasama ko sa contest bilang coach, hindi ako sinamahan dahil siya ang commentator sa misa. Wala rin tuloy akong umpe.

Sunday, January 10

ANO BA KASI ANG SIZE NG PAA NI CINDERELLA

Pansinin ang mga fairy tales. Nasaan ang true love sa kwentong Cinderella? Hindi si Cinderella ang gusto ni Prince Charming kundi ang kanyang glass slipper. Walang pag-ibig na nunukal sa pagitan ng isang prinsipe at isang pares ng sapatos. Isa lamang itong fetisismo sa parte ng lalake.

Thursday, January 7

RESPONSABLENG PAGPAPATIWAKAL

Ito ang tandaan mo. Hangga't hindi ka pa umaabot sa akto ng pagpapatiwakal, buhay ka pa. At dahil buhay ka pa, may obligasyon ka pa. At dahil may obligasyon ka pa, magpakaresponsable ka.

Ang suicide ay permanente. Kaya dapat mong planuhin nang maigi. Tiyakin mong mamamatay ka dahil pag nagkamali ka, hindi ka lang kahiya-hiya, kaaawaan ka ng madla. Kung inaakala mong maswerte ka sa matatamo mong simpatya dahil sa iyong attempted suicide, mag-isip-isip ka. Hindi ka lang tanga, bobo ka pa. Kaya ka nga magpapakamatay, gusto mo nang mamatay. Kung nabuhay ka, isa kang failure. Madodoblehan ka sa pagiging loser mo.

Sa sandaling magkaroon ng doubt sa iyong kalooban kahit gaano pa kaliit ito, step back. Makabubuting huwag mo nang ituloy ang binabalak mo. Baka sakaling mabago pa ang pananaw mo sa mundo kung pagbibigyan mo ng isa pang pagkakataon ang buhay.

Hindi isang biro ang suicide kaya huwag kang padalus-dalos. Lalong hindi isang laro ang suicide. Walang bawian, walang ulitan.

Interes ko ang usapin ng pagpapatiwakal. Naniniwala akong banal ang suicide. At dahil banal, may kalakip itong responsibilidad.

Hindi mo sinira ang buhay mo sa pagpapatiwakal. Pinutol mo lang.

Samakatuwid hindi mo sinira ang dangal o dignidad mo bilang tao. Pinutol mo rin lang.

Kaya kung magpapatiwakal ka, tiyakin mong mamamatay kang may dangal o dignidad.

Ito ang mukha ng suicide na hindi yata kilala sa ating lipunan. Palibhasa, lumaki at pinalaki tayo sa pananaw na masama ang suicide, kasalanan ang suicide, mga walang kwentang tao, mga bobo, mga tanga, mga gago, mga sira-ulo lang ang nagsusuicide, etcetera. Sa madaling sabi, sarado ang ating isip sa suicide.

Nauunawaan ko ang side ng mga nagpapatiwakal sa kadahilanang makapaghiganti. Ang tinutukoy ko rito'y ang kaso ni Hannah Baker (13 Reasons Why). Interesante ang kanyang naging kwento. Bagamat piksyon, hindi maikakailang posible at "novel" ang ideya ng kanyang pagpapatiwakal. Inisa-isa at pinangalanan niya ang labintatlong taong nagtulak sa kanya sa pagpapatiwakal. Gamit ang cassette tapes, ni-record niya ang kanyang litanya. Mag-uumpisa ang kwento kay #1. Si #1 ang unang makakatanggap ng set ng cassette tapes. Mapapakinggan niya ang sarili niyang kasalanan sa recorded na boses ng kanyang pinatay, indirectly. Mapapakinggan niya hanggang sa kwento tungkol kay #13. At pag natapos niya ang cassette tapes, obligado siyang ipasa ito kay #2 at si #2 ay ipapasa naman kay #3 hanggang sa umabot kay #13. Pinatunayan dito na ang patay ay may kakayahan pa ring i-demonstrate ang kanyang kapangyarihan sa nabubuhay. Hawak ni Hannah Baker ang 13 taong ito sa kanilang mga leeg dahil may catch pag hindi nila sinunod ang patakaran o huling instructions sa kanila. May pinili si Hannah Baker na tagapagbantay o tagapag-monitor sa nagaganap na orderly na pamamaraan ng pasahan. Kapag may nagtangkang sumuway sa instruction, ilalabas ng special agent na ito ang cassette tapes sa publiko at malalantad ang baho ng 13 taong ito.

Isang mabisang paghihiganti ng patay sa mga nabububuhay. Hindi makakalimutan si Hannah Baker magpakailanman.

Subalit ang ideal na pagpapatiwakal ay ang responsable pa ring pagpapatiwakal. Kung gusto mong alalahanin ka ng mga iiwan mo sa mundo ng hinagpis, ayusin mo ang pagpapatiwakal mo. Maging responsable ka.

Mga dapat tandaan sa responsableng pagpapakamatay:

Huwag kang padadala sa iyong pagkamakasarili. Mahirap itong gawin pero kung mapagtatagumpayan mo, mamamatay ka nang may dangal.

Anong ibig sabihin ko rito?

Oo galit ka sa mundo kaya magpapakamatay ka. Gusto mo nang tumakas, sige walang pipigil sayo.

Pero gumawa ka ng impact sa mundo. Maganda man o hindi (gaya ng ginawa ni Hannah Baker), pero mas ayos kung positibo, ang mahalaga ay mabuksan mo ang isip ng sambayanan sa iyong ginawang pagpapatiwakal.

Ideally, mapabago mo ang pananaw ng mundo sa suicide.

Halimbawa:

Kung sikat ka at sawa ka na sa limelight, at least, bago ka man lang magpakamatay, i-donate mo ang iyong naipong limpak-limpak na salapi sa charity. Tiyak hanggang sa kabilang buhay mo, ikaw ay kanilang pasasalamatan.

Kung ikaw ay isang drug addict at ayaw mo nang bumaba mula sa langit, at least bago ka man lang ma-OD, ibahagi mo ang iyong euphoria sa pamamagitan ng isang journal o diary. Mag-iwan ka ng alaala. Kung hindi man ito magsilbing inspirasyon, ay maging aral sa mga kabataan.

Kung ikaw ay middleclass at pagod ka na sa status mo, bayaran mo lahat ng utang mo. Magpatawad ka at himingi ng tawad. Makipagsundo. Magpasalamat.

Kung ikaw ay pobre at baon ka na sa utang, ipaabot mo at least sa iyong pamilya o kaibigan ang pagmamahal mo sa kanila.

Kung ikaw ay heartbroken, ipaliwanag mo sa kanya nang mahinahon at sabihin mong huwag siyang magi-guilty at i-wish mo na sana ay makahanap siya ng magmamahal sa kanya nang wagas na ikalulugod mong malaman kahit pa nga sa kabilang buhay.

Sunday, January 3

Friday, January 1

MENSAHE SA BOTE

Kung ayaw mo ng 3rd party, mas lalong ayaw ko pumunta sa kung anu-anong party.

MENSAHE SA BOTE

Walang masama kung kakaririn na nang husto. Hindi masaya pero hindi naman nakakainis at yun ang mahalaga.

Sunday, December 27

MENSAHE SA BOTE

Bestfriend o boy/girlfriend?

E di si best friend! Kaya nga best e. Yung syota naman kasi, pang-short time lang.

Saturday, December 26

MENSAHE SA BOTE

Di bale, maraming pagkakataon para maging masaya. Handa akong magtiis ngayon!

Monday, December 21

MENSAHE SA BOTE

Sa sandaling ipikit ko ang aking mga mata
Baka pati ikaw maglaho, o aking sinta