Tuesday, March 17

MA'AM ICE CANDY

Si Mrs. Andal ang adviser ko noong Grade 2. Dahil ako ang President sa aming Homeroom, sa akin nakaatang ang responsibilidad na paglilista ng mga pautang na ice candy pag sumapit na ang class dismissal ng alas kuwatro ng hapon.

Para maubos ang mga ice candy, may incentive ang mga estudyanteng natatakam pa sana subalit wala nang tirang barya sa bulsa dahil naubos na sa recess kaninang umaga.

+1 sa grade ang mga magsisipag-utang ng ice candy. Hindi ko na lang matiyak kung sa Recitation, Quizzes, o Project ba kaya papatak ang dagdag na puntos. Pero ang mahalaga, nauubos ang ice candy. Naisakatuparan ko ang aking obligasyon. At ang mga kaklase ko nama'y nabusog. Masaya ako, masaya rin sila. Higit sa lahat, malaking kinita ni Ma'am.

3 comments:

grazzielle said...

hi... naalala ko tuloy ung elem days ko na usong uso yang ice candy na yan sa klase.. ung halos nanlalagkit ka na sa ice candy hahaha

Anonymous said...

=)) tuwing dismissal kumakaripas ako palabas ng gate para bumili ng ever so delicious na ice candy.>:)

Bradpetehoops said...

This is a real thing in our public school since we're young. They call it the sideline stuff as "SUMA" sum or additional income. Have a nice day.