Friday, March 20

NAKAKAWALANG-GANA UMASA KAY PAG-ASA

Wala akong hilig sa panonood ng telebisyon. O kahit sa pagbabasa ng diyaryo't magasin. Kaya sa tuwing makakasagap ako ng balita, mapa-lokal man o internasyunal, at pagkatapos e dadalihan pa ng hagupit ng katotohanang "No news is good news", madalas talagang dinaramdam ko ang mga ito nang lubos.

Kung bakit naman kasi napakamasalimuot ng buhay ng mga tao kumpara sa ibang mga nilalang.

Naaalala ko 'yong isa sa mga paboritong awiting kinakanta namin tuwing tanghali noong Grade 3 sa loob ng classroom.

Ang mga ibon na lumilipad
Ay mahal ng Diyos
Di kumukupas
Ang mga ibon na lumilipad
Ay mahal ng Diyos
Di kumukupas
Huwag ka nang malungkot
O, praise the Lord!

Ang mga bulaklak na namumukadkad
Ay mahal ng Diyos
Di kumukupas
Ang mga bulaklak na namumukadkad
Ay mahal ng Diyos
Di kumukupas
Huwag ka nang malungkot
O, praise the Lord!


Wala lang. Naalala ko lang.

Kung bakit ako nagdaramdam ay sa katwirang tungkulin ko bilang mamamayan na makialam. Subalit hindi ko naman mawari na sa kabila ng kamalayan kong ito sa aking responsibilidad ay wala ni ha, ni ho upang yaring gampani'y aking maisakatuparan.

Sa madaling sabi, ako'y gago.

Parang isang ibong nais lumangoy
o isdang nais magkaroon ng pakpak
Elepanteng gustong mag-jumping jacks
o asong gustong lantakan ang isang bag ng M&M's

Sa kabilang banda, sinusubukan kong palawakin ang aking pang-unawa. Paano kung ako ang nasa sitwasyon ng mga pulitiko, ng nasa gobyerno, ng nasa puwesto ng pagka-Pangulo, bilang pinuno?

Diba't sinabi nga ni Spiderman na "With great power, comes great responsibility"?

Kung gayon dapat sa isang public official, malakas ang kanyang spirit. Di sapat na siya ay matalino, karinyoso, at maka-masa, etcetera..etcetera... Dahil kung mahina ang kanyang loob, lalamunin siya nang buo ng kapangyarihang ipinagkaloob sa kanya. At ito, ito, ito na nga po mga kababayan, ang nangyayari sa ating mga pinuno.

Kusabagay, hindi natin masisisi kung bakit sila, ang mga katulad nila, ang mga kumakandidato at tumatakbo sa mga eleksyon.

Nasaan na ba kasi ang mga Spiderman natin?

Palibhasa masyado silang humble. Kahit na may maipagyayabang naman sana talaga. Tuloy, inaagaw sa kanila ang limelight ng mga lintik na oportunista. Kung pwede lang sana batukan sila para lang itulak sila na suungin nila ang hamon ng mundo at iligtas ang sangkatauhan mula sa kahungkagan ng sistema ng ating lipunang hindi makaalpas-alpas sa anino ng nakaraan, ng lintik na Kasaysayan ng sansinukob.

Kung puwede lang sana...

Kung puwede.. kung pupuwede... kung puwede ba?

Hindi puwede.

Dahil may karapatan silang tumanggi. Sino nga naman ba ang may gustong umako ng responsibilidad?

Ay lintik na yan.

5 comments:

eye_spy said...

i like this post.

calling all the super humans out there.. we need a hero specially in this time of crisis.

just blog hopping..

Asusmaryosep! said...

Sana nga may rumesponde sa'ting panawagan. Maraming salamat sa pagdaan, eye_spy!

Hari ng sablay said...

nice site...

gusto ko din mging artista..nyayss...

Bradpetehoops said...

Maganda ang Born Again song. Have a nice day.

Awtomatik said...

May hatid na realismo(ano nga ba sa wikang Pinoy yun)
ang sanaysay na ibig mo ipabatid sa kahanginan(ethernet)..

Nakakawalang-gana umasa kay pag-asa...hehe
kanya lamang sabi nga, kapag wala ng pag-asa,
tanging pag-asa na lamang ang aasahan..

...at kumbakit napakasalimuot ng buhay ng tao
kumpara sa ibang nilalang-- kanya naman napakakulay
din at punong-puno ng pakikibaka't pakikipagsapalaran
ang buhay ng taong nilalang..

Ang mga ibon minamahal ng Dios, ang Tao pa kaya?

sabi pa..pana-panahon lang yan !!

and when destiny prevails... some rain must fall..
paborito kong kasabihan ito, dko lang matandaan saan
ko napulot..

ilang beses nako napadaan sa Asusmaryosep na ito,
ikaw palaka yan..hehe